Nakibahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa isinagawang pamamahagi ng E-Titles, Certificates of Condonation, at turn-over ng farm machinery at equipment sa mga farmers’ cooperatives sa lalawigan, sa programang ginanap sa PGP Convention Center, Provincial Capitol noong Hunyo 12, 2025.

Tumayo bilang kinatawan ni Governor Amy Roa Alvarez si 2nd District Board Member Ariston Arzaga, na nagpahayag ng mensahe ng suporta at pakikiisa sa mga benepisyaryo ng programa.

Dumalo rin sa aktibidad sina Board Members Al Ibba at Toto Pineda, gayundin si 3rd District Congressman Atty. Gil Acosta Jr. Kasama rin sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa Registry of Deeds, mga lokal na opisyal ng munisipyo, at mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) na siyang nanguna sa aktibidad.
Layon ng programa na mapalakas ang seguridad sa lupaing sakahan ng mga magsasaka at maisulong ang modernisasyon sa agrikultura sa lalawigan sa pamamagitan ng makabagong kagamitan.
Source: PIO PALAWAN