Isang makasaysayang aktibidad ang isinagawa sa bayan ng General Luna, Quezon, nang opisyal na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang blessing at inauguration ng San Vicente – Malaya Farm to Market Road noong ika-13 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ang tulay na ito ay may habang limang kilometro, na simbolo ng pag-unlad para sa mga barangay ng San Vicente, San Nicolas, Sumilang, Nieva, Recto, Magsaysay, at Malaya.

Sa bagong daang ito, mas mabilis na maihahatid ang mga ani ng magsasaka, mas madali ang pagpasok sa paaralan ng mga kabataan, at mas magaan ang paglalakbay ng mga mamamayan patungo sa mga pamilihan at kabuhayan.
Ipinapakita ng proyektong ito ang tunay na malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapabuti ng buhay sa kanayunan at isang paalala na kapag nagtutulungan ang pamahalaan at mamamayan, posible ang tunay na pagbabago.
Source: Provincial Government of Quezon