PUERTO PRINCESA CITY (PIA) — Nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama ang puwersa mula sa Estados Unidos, Australia, at New Zealand, ng Counter-Landing Live Exercise sa Aborlan, Palawan noong Abril 27 bilang bahagi ng Exercise Balikatan 41-2026.
Pinangunahan ng Philippine Marine Corps ang ehersisyo na nagsanay sa pagtukoy, pagpigil, at paghadlang sa banta ng paglapag ng kalabang puwersa sa baybayin. Gumamit ang Philippine Air Force ng FA-50 jets, habang nag-deploy ang U.S. ng HIMARS, katuwang ang iba pang ground at naval assets.
Bukod sa operasyong pangdepensa, nagsagawa rin ng evacuation drill at community outreach activities sa mga komunidad sa Apurawan.
Ayon sa AFP, pinatatag ng pagsasanay ang koordinasyon at kahandaan ng mga kaalyadong bansa sa seguridad at pagtugon sa sakuna.
Source: PIA Palawan