LEGAZPI CITY-Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sunod-sunod na pag-agos ng Pyroclastic Density Currents (PDCs) sa Bulkang Mayon, sa Mi-isi Gully sa looB ng Permanent Danger Zone (PDZ) at pag-ula ng abo sa gawing timog kanluran.

Ayon sa pinakahuling datos ng Phivolcs, nasa mataas na aktibidad ngayon ang bulkan habang nananatili sa alert level 3.

Patuloy rin ang eruption nito, kasabay ang pagdaloy ng lava sa tatlong gullies: Basud (3.8 km), Bonga (3.2 km) at Mi-isi (1.6 km), at mayroong panaka-naka at mahinang strombolian activity, gayundin ang panandaliang lava fountaining.

Ang nasabing aktibidad ng bulkang Mayon, dulot ng sunod-sunod na pag-agos ng pyroclastics sa Mi-isi Gully at pag-ulan ng abo na nakaapekto sa mga komunidad sa gawing timog-kanluran.

Samantala, naitala rin ang gawing timog-kanluran kabilang ang 25 volcanic tremors, 284 rockfall at 14 PDC signals.

Umabot rin sa 1,586 tonelada ng Sulfur Dioxide Flux ang naitala simula noong May 1, 2026.

Mahigpit ngayon na pinapaalalahanan ang lahat ng mga kababayan malapit sa paanan ng Bulkan na mag-ingat sa banta ng ashfall sa kalusugan at huwag pumasok sa 6km permananet danger zone.

Nagsasagawa na rin ng contingency plan ang mga local government katuwang ang ibat-ibang ahensya para sa paglikas ng mga residente at para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Source: Bombo Radyo Legazpi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *