Nahulog sa dagat ang 46 cargo containers mula sa M/V Span Asia 39 matapos makaranas ng malalakas na alon malapit sa Hamilo Point sa Calatagan, Batangas.

Agad namang nagsagawa ng drone monitoring at search operations ang Philippine Coast Guard (PCG) upang matukoy ang kinaroroonan ng mga container at mamonitor ang posibleng epekto nito sa karagatan.

Patuloy ang isinasagawang operasyon ng PCG upang matiyak ang kaligtasan sa lugar at maiwasan ang posibleng panganib sa mga sasakyang pandagat at marine environment.

Source: Batangas News Today

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *