Arestado ng mga awtoridad ang isang 26-anyos na lalaki na kabilang sa Provincial-Level Most Wanted Persons sa Barangay Bagong Pook, Lian, Batangas.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office (PPO), nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasagawa ng mga naaayon sa batas na proseso.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *