CALABARZON (PIA) — Nagsagawa ang Regional Juvenile Justice and Welfare Council (RJJWC) CALABARZON ng 3rd Quarter Facility Visit and Monitoring of Detention Facilities ngayong Setyembre 8 upang masuri ang kalagayan ng mga Children in Conflict with the Law (CICL) at matiyak ang kanilang ligtas at angkop na pagtrato habang nasa kustodiya.

Kabilang sa mga isinagawang monitoring ang mga police station sa Ibaan, Padre Garcia, at Rosario sa Batangas, gayundin sa Pakil, Paete, Kalayaan, at Lumban sa Laguna.

Layunin ng aktibidad na matiyak na hindi nakadetine ang mga CICL kasama ng adult Persons Deprived of Liberty (PDL), gayundin na mapalakas ang child-sensitive handling, referral, at intervention para sa mga batang nangangailangan ng kaukulang proteksyon at suporta.

Katuwang ng RJJWC CALABARZON sa isinagawang monitoring ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A, Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A, Philippine Information Agency (PIA) CALABARZON, at Bahay Pag-Asa Laguna.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *