Ligtas na naipasa sa Biodiversity Management Bureau (BMB) ng DENR ang isang Philippine Pangolin (Manis culionensis) na natagpuan ng isang residente sa Barangay Galicia 3, Mendez, Cavite noong Setyembre 2.

Agad humingi ng tulong ang residente sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), na nakipag-ugnayan naman sa DENR-PENRO Cavite at DENR CALABARZON para sa wastong paghawak at turnover ng hayop sa BMB noong Setyembre 3.

Batay sa assessment, nangangailangan ang pangolin ng espesyal na pagkain gaya ng anay at langgam at hindi ito napaamo o dating inalagaan sa captivity. Isinailalim ito sa pangangalaga at inihanda para sa transportasyon patungong Palawan para sa karagdagang rehabilitasyon at posibleng pagbabalik sa natural nitong tirahan.

Ang Philippine pangolin ay endemic sa Palawan at kabilang sa mga Endangered na wildlife species sa bansa. Paalala ng DENR CALABARZON, huwag sariling alagaan o pangasiwaan ang mga wildlife na matatagpuan; agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DENR o local environment office.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *