LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan matapos ang pagkaka-recover ng isang live ammunition sa hindi na pinangalanan na pampublikong high school sa bayan ng Daraga, Albay.
Nabatid na isang guro ang nakadiskubre ng naturang bala isang plant box sa tapat ng isang classroom nitong Setyembre 3 kaya agad na nakipag-ugnayan sa mga otoridad.
Ang naturang bala ay agad naman na nai-turn over sa Regional Forensic Unit 5 para sa ballistic examination.
Siniguro naman ng Daraga Municipal Police Station na siniseryoso nila ang naturang insidente, kasabay ng panawagan na iwasan ang pagpapakalat ng hindi berepikadong mga impormasyon.
Source: Bombo Radyo Vigan