CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Nagbigay ng bahagyang ginhawa sa mga driver at operator ng pampublikong sasakyan ang kamakailang rollback sa presyo ng langis matapos ang sunod-sunod na pagtaas nito.
Ayon sa ilang driver, malaking tulong ang pagbaba ng presyo ng diesel dahil kahit paano ay nadaragdagan ang kanilang kita. Gayunman, may ilan pa ring nagsabing hindi pa ito sapat dahil nananatiling mataas ang presyo ng krudo at iba pang bilihin.
Sa kabila nito, umaasa ang mga transport worker na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng langis upang maibsan ang kanilang gastusin sa araw-araw. Patuloy rin silang nananawagan ng pangmatagalang solusyon upang matugunan ang epekto ng pabago-bagong presyo ng fuel.
Source: PIA MIMAROPA