Namahagi ang TESDA Oriental Mindoro ng mahigit ₱13.9 milyon halaga ng training assistance, scholarship commitments at toolkits sa “Handog ng Pangulo” noong Setyembre 14 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-69 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang dito ang ₱90,000 Training Support Fund, ₱10.95 milyon scholarship slots para sa technical-vocational institutions, ₱2.82 milyon Certificate of Scholarship Grant Commitment at ₱51,440.15 halaga ng toolkits.

Ayon kay TESDA MIMAROPA Regional Director Baron Jose L. Lagran, layunin ng programa na mapalawak ang access sa technical-vocational education at matulungan ang mga benepisyaryo na mapaunlad ang kanilang kasanayan at kabuhayan.

Samantala, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga TESDA beneficiary na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon at pagsasanay, at tiniyak na nakahanda ang pamahalaan na suportahan sila sa kanilang paglalakbay tungo sa mas magandang oportunidad.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *