Nagsagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Flood Mitigation Summit 2026 sa Kawit, Cavite noong Setyembre 14 upang palakasin ang koordinasyon ng national at local governments sa pagtugon sa problema ng pagbaha sa unang distrito ng lalawigan.
Tinalakay sa summit ang mga hakbang tulad ng dredging at clearing ng waterways, pagpapalakas ng drainage at flood control infrastructure, at pagtukoy sa mga prayoridad na lugar para sa flood mitigation projects.
Binigyang-diin ng DPWH CALABARZON ang kahalagahan ng magkakaugnay na polisiya at proyekto upang makamit ang mas ligtas at matatag na mga komunidad sa Cavite.
Source: PIA CALABARZON