Isang simpleng seremonya ang ginanap sa City Hall ng Tanauan City, Batangas nito lamang ika-17 ng Oktubre, 2025 kung saan personal na iniabot ni Mayor Sonny Collantes ang mga bagong sports uniform sa mga delegado ng lungsod.
Ipinahayag ni Mayor Sonny ang kanyang paghanga at tiwala sa mga empleyado na hindi lang masigasig sa kanilang tungkulin, kundi may angking galing din sa larangan ng sports.
Ang Unity Games ay hindi lamang paligsahan, kundi isang mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng samahan ng mga lokal na pamahalaan sa Batangas.
Sa pamamagitan ng palakasan, naipapakita ang tunay na diwa ng bayanihan at pagkakapatiran.
Source: Tanauan CGTV