Libo-libong residente ng Sorsogon ang nakinabang sa iba’t ibang programa ng pamahalaan para sa ayuda, kabuhayan, trabaho, serbisyong pangkalusugan, at iba pang pangunahing pangangailangan sa isinagawang “Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Sapat Para sa Lahat” caravan noong Setyembre 14, 2026 sa Sorsogon Provincial Gymnasium.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Maria Luwalhati Dorotan-Tiuseco sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng programa, bahagi ito ng nationwide rollout ng Handog ng Pangulo na isinagawa bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng direktang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan.

Umabot sa mahigit ₱68 milyon ang kabuuang halaga ng tulong na ipinamahagi sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang dito ang ₱32.05 milyon mula sa Department of Agrarian Reform; ₱17.709 milyon mula sa Department of Labor and Employment; ₱8.898 milyon mula sa Commission on Higher Education; ₱6.475 milyon mula sa Technical Education and Skills Development Authority; ₱775,000 mula sa Department of Migrant Workers; ₱714,364 mula sa Department of Social Welfare and Development; ₱794,500 mula sa Department of Agriculture; ₱130,000 mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources; at ₱775,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration.

Sa pamamagitan ng caravan, mas maraming Sorsoganon ang nabigyan ng pagkakataong direktang ma-access ang mga programa at serbisyong inihahatid ng pamahalaan, partikular sa larangan ng kabuhayan, edukasyon, trabaho, agrikultura, at kapakanan ng mga pamilya at manggagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *