Isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa nito lamang ika-18 ng Oktubre, 2025 nang personal na inihatid ni Gov. Marisol “Sol” Aragones ang bagong Ambulansya sa JP Rizal Memorial Provincial District Hospital, Calamba City, Laguna.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna na tiyaking mabilis at maayos ang pagresponde sa mga medikal na pangangailangan ng mga mamamayan.

Layunin ng proyektong ito na tugunan ang dumaraming bilang ng mga pasyente at patatagin ang kakayahan ng mga district hospitals sa buong lalawigan.

Ang bagong ambulansya ay simbolo ng malasakit at tapat na paglilingkod para sa lahat ng Lagunense.

Source: Laguna PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *