Masayang idinaos ang isang masiglang Zumba session sa Centennial Pavilion ng Kapitolyo bilang bahagi ng Health and Wellness Activity ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Philippine Civil Service noong Setyembre 5, 2025.

Pinangunahan ng mga mananayaw mula sa grupong Sining Amyhan ang aktibidad, na nilahukan ng mga masisiglang kawani ng kapitolyo. Ang kanilang sabayang pag-indak ay naghatid ng kasiyahan, sigla, at inspirasyon sa mga dumalo, kasabay ng layuning itaguyod ang kahalagahan ng kalusugan at aktibong pamumuhay para sa mga lingkod-bayan.
Layunin ng nasabing aktibidad na paalalahanan ang mga kawani ng pamahalaan sa kahalagahan ng pangangalaga sa sariling kalusugan bilang bahagi ng pagiging epektibo at produktibong tagapaglingkod sa bayan.
Ang ganitong mga programa ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan na paigtingin ang wellness at work-life balance ng mga empleyado nito, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Palawan.
Source: Palawan Island Network