Umabot sa 7,496 na mga pamilyang benepisyaryo ng programang ‘Bawat Bayan Makikinabang’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang napagkalooban ng tig-10 kilo ng bigas sa bayan ng Busuanga.

Ayon sa ulat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, na siyang nanguna sa pamamahagi ng bigas, ay nakumpletong naipamigay sa 14 na barangay sa Busuanga ang nasabing tulong. Isinagawa ang pamamahagi mula Agosto 18 hanggang 21, 2026.

Ayon kay Amie E. Dolor, Special Operations Officer, ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), walang naging problema sa distribusyon sa Busuanga dahil naging organisado ito sa pagsisikap ng buong team katuwang ang pamahalaang lokal.

Pinondohan ang programa ng Tanggapan ng Pangulo sa ilalim ng Local Government Support Fund o LGSF na naglalayong makatulong sa mga pamilyang nangangailangan at mapagaan ang kanilang gastusin sa pagkain.

May counterpart din na pondo na inilaan ang pamahalaang panlalawigan upang makatulong sa programa ng Pangulo.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *