Isang menor de edad ang nasawi matapos matagpuang walang malay sa isang ilog sa Sitio Eduardson, Barangay Santa Clara, Batangas City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakita ng ina ang biktima na walang malay sa ilog na nasa tapat ng kanilang bahay. Napag-alamang nakalabas umano ang menor de edad nang hindi napapansin habang patuloy ang pag-ulan sa lugar.

Agad na isinagawa ang pagresponde at pagkuha sa biktima, subalit idineklara itong wala nang buhay. Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang buong pangyayari at kung paano eksaktong nahulog ang menor de edad sa ilog.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *