Nagsagawa ng random terminal drug testing operation ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V (PDEA RO5) sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Office V (LTO V) noong Agosto 22, 2025 sa Legazpi City Grand Terminal, Legazpi City, Albay.
Ito ay batay sa Republic Act No. 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng isangdaang (100) public utility drivers. Sa kabuuan, walang nagpositibo sa iligal na droga.
Ang nabanggit na operasyon ay isang paraan ng ating pamahalaan upang masiguro at mapanatili ang kaligtasan ng mga komyuter maging ang mga drayber sa daan.
Source: LTO Bicol