Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Bay sa lahat ng Bayeños na nakiisa at mainit na nakisama sa matagumpay na unang araw ng Fiesta Bayeña 2025, noong August 23.

Pinasimulan ang makulay na pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na nagbigay sigla at saya sa mga residente at bisita. Kabilang dito ang mga pagtatanghal, palaro, at mga programang nagpapakita ng yaman ng kultura at tradisyon ng bayan.

Kasabay ng Fiesta Bayeña ay ang pagbubukas ng Garden Festival, na naglalayong itampok ang likas na ganda at kahalagahan ng kalikasan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Bayeño. Nakatakdang ilunsad ang iba’t ibang kapana-panabik na programa sa mga susunod na araw upang higit pang bigyang kulay ang selebrasyon.

Patuloy na inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ang lahat na makiisa at makisaya sa mga nakahandang gawain na hindi lamang magdudulot ng kasiyahan kundi magpapatibay rin ng pagkakaisa at pagmamahalan sa komunidad.

Source: Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *