Kasabay ng paghahanda para sa kapistahan ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, opisyal na binuksan ang taunang Marian Exhibit sa parokya ni San Clemente o Saint Clement Parish Church ng Angono, Rizal noong ika-23 ng Agosto taong kasalukuyan.

Ito ay isang pagkakataon upang muling manumbalik ang ating pananampalataya at mag-alay ng pagpupugay sa Mahal na Ina.

Ang exhibits ay bukas sa publiko hanggang ika-30 ng Agosto, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at mula 3:00 ng hapon hanggang 9:30 ng gabi.

Ang mga imaheng ito ay nagbibigay inspirasyon at nagpapalakas ng pag-asa na sa kabila ng hamon ng buhay may ina tayong malalapitan.

Ito ay isang paglalakbay ng pananampalataya na nagpapaalala sa atin ng walang hanggang pagmamahal ng Mahal na Birhen sa bawat isa saatin.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *