Matagumpay na isinagawa ang youth symposium tungkol sa mental health, teenage pregnancy, and HIV prevention sa iba’t ibang barangay ng lungsod, na layuning palakasin ang edukasyon at proteksyon para sa mga kabataang Calapeño noong Agosto 25, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng City Health and Sanitation Department sa pamumuno ni City Health Officer Dra. Basilisa Llanto, katuwang ang iba pang mga kawani at katuwang na organisasyon. Layon nitong talakayin ang mahahalagang isyung kinakaharap ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon, kabilang ang mental health, maagang pagbubuntis, at ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.

Tampok sa symposium ang mga interactive na diskusyon, testimonya, at mga educational materials upang mas maunawaan ng mga kabataan ang mga nasabing isyu at matulungan silang makagawa ng matatalinong desisyon para sa kanilang kalusugan at kinabukasan.
Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa aktibong pakikilahok ng mga kabataan at sa dedikasyon ng mga opisyal at kawani ng City Health and Sanitation Department.
Patunay ito na sa Calapan City, ang edukasyon at kapakanan ng kabataan ay patuloy na binibigyang halaga—kahit pa araw ng pahinga.
Source: Mayor Doy Leachon