Binuksan na ang matagal nang hinihintay na SLEX Northbound Exit Interchange sa San Pedro, Laguna noong ika-1 ng Agosto, 2025, isang simbolo ng kaginhawaan, at kaunlaran.

Sa bagong exit na ito, mas pinadali ang daloy ng trapiko at mas pinaiksi ang oras ng pagbabyahe ng mga motorista at commuter mula at papuntang Maynila at Timog Luzon.
Ang proyektong ito ay bunga ng pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan, sa pangunguna nina DPWH Sec. Manuel Bonoan, DOTr Sec. Vince Dizon, Gov. Sol Aragones, Mayor Arlene Arcillas, at iba pang dedikadong lider.

Ito ay isang pinakamodernong interchange sa bansa at ito ay para sa kaginhawaan ng bawat Pilipino.

Ang San Pedro Northbound Exit ay higit pa sa imprastruktura ito ay simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at pagkilos tungo sa progresibong kinabukasan ng Laguna at ng buong rehiyon.
Source: Opisyal na FB Page ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna