Opisyal ng sinimulan ang pagpapagawa ng barangay road subproject sa Barangay Sta. Maria, Baras, Catanduanes sa ilalim ng Pag-abot Program na ipapatupad gamit ang prosesong Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) noong ika-4 ng Agosto 2025.

Ang nasabing proyekto ay may kabuuang pondo na Php1,915,702.55 na may layong mapabuti ang akses ng mga residente at mapadali ang transportasyon.

Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Municipal Local Government Unit (MLGU), Barangay Local Government Unit (BLGU), mga community volunteers, benepisyaryo ng Pag-abot Program, mga manggagawa, at ang Area at Municipal Coordinating Team ang aktibidad bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng konstruksyon.

Isa sa mga social protection services ng Pag-abot Program ay ang Community Assistance kung saan gamit ang Community-Driven Development (CDD) approach ng KALAHI-CIDSS, ipapatupad ng komunidad ang natutukoy na inisyatibo na direktang makakatulong sa benepisyaryo ng programa at mga residente ng pamayanan.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *