Umabot sa 8,029 na benepisyaryo sa Camarines Sur at 2,118 na benepisyaryo sa Sorsogon ang nakapagredeem ng kanilang food credits gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards noong ika-30 ng Agosto 2024.

Ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) ay isa sa pangunahing programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may layunin na mabawasan ang gutom ng mga sambahayan na may mababang kita sa pamamagitan ng pagbibigay ng PHP 3,000 food credits.

Upang masiguro na makakakain ang mga pamilya ng iba’t ibang uri ng masusustansyang pagkain, nakikipag-ugnayan din ang programa sa mga partner retailers at merchants.

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *