Maganda ang naging bunga ng isinagawang consultative meeting kasama ang mga senior citizens sa Barangay Talaga, nito lamang ika-31 ng Agosto 2024.

Para sa mas mahusay na paglikha ng mga magagandang programa para sa ating mga Senior Citizens, patuloy ang isinasagawang konsultasyon ni Mayor Sonny Perez Collantes sa mga Barangay upang malaman ang kanila pang mga pangangailangan mula sa ating Lokal na Pamahalaan.

Katuwang sina Kap. Rico Talagsad, Kon. Czylene T. Marqueses at ating CWSD Head Ms. Vicky kasama sina SK Federation Vice President Clarence Micosa, Mr. Marco Amurao at Ms. Lilibeth Arcega, Engr. Sonny Natanauan at Mr. Macky Gonzales isang masayang kumustahan ang naganap para sa ating mga Senior Citizens.

Layunin ng proyektong ito ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa inisyatibo ni Mayor Sonny, na mas mabigyan ng pansin ang mga senior citizens at mabigyan ng katuparan ang mga programang maghahatid ng Cash incentives, Birthday Cash gift, karagdagang mga benipisyo at mga serbisyong mangangalaga para sa kanilang kalusugan.

Source : Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *