Umarangkadang muli ang programang Expanded Health sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Malou Flores-Morillo na ginanap sa Barangay Sapul at Personas, Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika-27 ng Agosto 2024.
Sa ilalim ng programang Expanded Health, ang mga mamamayan ay nakatanggap ng iba’t ibang serbisyong medikal tulad ng libreng konsultasyon sa mga doctor, libreng bunot ng ngipin, libreng x-ray, mga pangunahing pagsusuri, at mga gamot.
Kasama rin dito ang pagbibigay ng libreng bakuna at mga edukasyonal na sesyon hinggil sa wastong pangangalaga ng kalusugan.

Ang ganitong serbisyo ay nagbibigay ng malaking tulong lalo na sa mga lugar na malayo sa sentro ng kalusugan, at naglalayong bawasan ang mga hadlang sa pag-access ng mga serbisyong medikal.
Ang walang humpay na pagsasagawa ng Expanded Health Program sa iba’t ibang barangay ay patunay ng tunay na pagpapahalaga sa pag-aalaga sa kalusugan ng mga mamamayang Calapeño.
Sa tulong ng masisipag na mga volunteer health workers at mga opisyal, natutugunan ang pangangailangang pangkalusugan sa buong lungsod.
Source: Mayor Malou Flores-Morillo