Nakatanggap ang nasa 3,277 na mga Indigent Senior Citizens ng Social Pension na nagkakahalaga ng Php3,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bayan ng Narvacan sa Lalawigan ng Ilocos Sur nitong ika-28 ng Agosto 2024.
Ayon kay Ginang Pauline Cabunoc, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Narvacan, ang halagang ito ay para sa tatlong buwan ng pensyon.

Ipinahayag naman ni Mayor Pablito V. Sanidad na ang Social Pension ay nadagdagan ng Php500 kada buwan, kaya’t ngayon ay umabot na sa Php1,000 bawat buwan para sa mga Senior Citizens. Layunin ng hakbang na ito na ipakita at iparamdam sa mga Senior Citizens na sila ay bahagi at prayoridad ng gobyernong PBBM.
Sa panayam sa mga Senior Citizens ay kanila ring ipinahayag ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa gobyerno sa pagbibigay ng Social Pension. Ayon sa kanila, malaking tulong ito para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan, lalo na sa pagbili ng gamot at iba pang mahahalagang bagay.
Source: Narvacan Naisangsangayan