Matagumpay na ipinamahagi ang Presidential Assistance na personal na inihatid ng mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr., para sa mahigit na 33,000 na mga magsasaka, mangingisda at pamilyang apektado ng Bataan oil spill, nito lamang ika-28 ng Agosto, taong kasalukuyan, na ginanap sa General Trias Sports Park, General Trias City, Cavite.

Malugod namang dinaluhan ng mga residente ng Bacoor, Kawit, Maragondon, Naic, Noveleta, Rosario, Tanza at Ternate ang nasabing programa, kung saan sila ay nakatanggap ng cash aid na nagkakahalaga ng Php5,000, at sa pag-alis ni PBBM ay kanyang iniwan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ang Php161.5 milyon na tseke.
Layunin ng proyektong ito ng Pangulo na matulungang muling makabangon ang ating mga kababayan at muling manumbalik ang kanilang kabuhayan.
Source : Cavite PIO