Matagumpay na naipamahagi ang 900 na laptops para sa mga Elementary Public School Teachers ng lalawigan ng Batangas na isinagawa sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas nito lamang ika-25 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ni Governor Hermilando “DoDo” Mandanas ang nasabing pamamahagi kaisa sina Chairperson in Education Committee, Bokala Arlene Magboo ng 2nd district, at Provincial School Board (PSB) Head Secretariat Gina Ferriols.

Ang naturang mga laptop ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng Provincial School Board (PSB) na sumasang-ayon sa mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na nakatuon sa sektor ng edukasyon.

Layunin nito na mabigyang kahalagahan ang mga pampublikong guro na patuloy na nagsusulong ng dekalidad na edukasyon sa lalawigan.
Makakatulong din ang mga ito sa wastong pagbabahagi ng mga leksyon ng mga mag-aaral, sa mga classrooms man o online.
Source: Batangas PIO