STA. CRUZ, Laguna — Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ang “Laguna Pantry Program” upang suportahan ang mga lokal na magsasaka at makapagbigay ng libreng gulay sa mga komunidad.

Ayon kay Governor Sol Aragones, direktang bibilhin ng pamahalaan ang ani ng mga magsasaka at ipapamahagi ito sa iba’t ibang distrito ng lalawigan bilang tulong sa kanilang kabuhayan at sa pangangailangan ng mamamayan.

Bahagi ng programa ang pagre-repack ng mga gulay sa mga “chopsuey” at “ginisa” packs para mas madaling maipamahagi. Ipatutupad ito sa pamamagitan ng nakatakdang schedule upang masiguro ang maayos at pantay na distribusyon.

Hinihikayat ang publiko na abangan ang opisyal na anunsyo para sa iskedyul ng pamimigay.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *