Nagbabala si DICT Secretary Henry Aguda laban sa paglaganap ng maling impormasyon kasabay ng paglulunsad ng programang “Balik Loob: Reintegrasyong Digital” sa Bongabong, Oriental Mindoro.
Ayon kay Aguda, mahalagang gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng mga kapaki-pakinabang na programa at hindi sa fake news. Binigyang-diin din niya na dapat maging abot-kamay ng lahat ang teknolohiya, kabilang ang mga nasa malalayong lugar.
Inihayag din ng DICT ang pakikipag-ugnayan sa mga telco upang mapababa ang internet cost sa MIMAROPA at ang planong magbigay ng high-speed internet sa lahat ng state universities sa Oriental Mindoro bago matapos ang 2026.
Samantala, iginiit ni Governor Humerlito Dolor ang kahalagahan ng pagkakaisa upang makamit ang kaunlaran at pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Source: PIA MINDORO