Naisakatuparan ang pamamahagi ng Medical kit para sa mga Barangay Health Workers (BHWs) sa San Jose Municipal Plaza nito lamang Mayo 24, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Congressman Leody F. Tarriela, kasama sina Governor Eduardo B. Gadiano, Vice Mayor Diana Apigo-Tayag, at Ako Bicol Partylist.
Ang mga medical kit ay naglalaman ng mga kagamitang gaya ng bandages, gauze swab, thermal gun, payong, kapote, bota, at mga aparato para sa blood pressure, blood sugar, at nebulizer.

Ang mga ito ay mahalaga upang mapahusay ang pagbibigay ng serbisyong medikal ng mga BHWs sa kani-kanilang mga barangay.
Ayon kay Cong. Tarriela, ang layunin ng pamamahagi ng mga medical kit ay upang masiguro na ang bawat barangay ay may sapat na kagamitan sa pagtugon sa mga pangangailangang medikal ng mga residente.
“Ang kalusugan ng ating mga kababayan ay dapat laging prayoridad. Sa pamamagitan ng mga kit na ito, mas matutulungan natin ang mga BHWs na magbigay ng agarang tulong at serbisyo,” ani niya.
Ang pamamahagi ng medical kit ay isa lamang sa mga maraming proyekto ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na organisasyon upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa San Jose, Occidental Mindoro.
Source: LGU San Jose, Occidental Mindoro – Municipal Information Office