Isang makabuluhang kaganapan ang nagdulot ng saya at pag-asa sa pamamagitan ng programang “Malupit na Ngiti, Kasama Kang Pinili” ng local na pamahalaan sa isinagawang pamamahagi ng mga laruan, tsinelas, at gatas sa mga bata sa pakikipagtulungan ng Serbisyong TAMA Center na ginanap sa Barangay Calero, Oriental Mindoro noong Mayo 25, 2024.
Ito ay pinangunahan ni City Mayor Malou Flores-Morillo, kasama sina Chief of Staff Mr. Joseph Umali, Barangay Affairs and Sectoral Concerns Head Mr. Jaypee Vega, Ms. Agatha Ilano, at ang dating konsehala Ms. Mylene De Jesus.

Ang kaganapang ito ay nagpapatunay ng malasakit ng lokal na pamahalaan sa mga kabataang Calapeño. Ang “Malupit na Ngiti, Kasama Kang Pinili” Program ay hindi lamang simpleng pamamahagi ng mga kagamitan kundi isang pagpapahayag ng pagmamahal at pag-aaruga sa mga kabataan.
Sa bawat ngiti na dulot ng mga laruan at iba pang kagamitan, nagiging inspirasyon ang pamahalaan upang patuloy na maglingkod at magpaabot ng mga proyekto na may direktang benepisyo sa komunidad.
Isang patunay ang programang ito na sa kabila ng mga hamon, ang malasakit at pagkakaisa ang magpapatibay sa ating bayan.
Source: Mayor Malou Flores-Morillo