Matagumpay na natapos ng 132 benepisyaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ang pagtatayo ng community hanging gardens sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Bulalacao, Oriental Mindoro.
Sa pamamagitan ng proyekto, nabigyan ang mga benepisyaryo ng pagkakataong magkaroon ng pansamantalang kabuhayan at produktibong gawain habang nakikibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan, pagpapaganda, at pagpapabuti ng mga pampublikong lugar sa kanilang mga komunidad.
Bukod sa pagbibigay ng pagkakakitaan, layunin din ng community hanging gardens na mapalakas ang pakikiisa ng mga residente sa pangangalaga ng kapaligiran at maisulong ang mas malinis, maayos, at luntiang pamayanan sa Bulalacao.
Source: PIA MIMAROPA