Isinagawa at nakiisa ang mga tauhan ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO MIMAROPA) sa ilalim ng pangunguna ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director sa “Fun Run for a Cause” na inorganisa ng Rotary Club of Downtown Calapan noong Agosto 16, 2026, sa NUCITI Mall, Calapan City.

Isinagawa ang 5K fun run sa temang “Let’s Run Together for a Cleaner, Greener & Better Community!” na nilahukan ng mga residente, civic organizations at iba pang community partners upang itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran at hikayatin ang publiko na makibahagi sa pagpapanatiling malinis at sustainable ng kanilang mga komunidad.

Personal na lumahok si PBGEN Dela Cruz kasama ang mga tauhan ng PRO MIMAROPA at iba pang mga kalahok sa fun run bilang suporta sa inisyatiba ng Rotary Club na palakasin ang environmental responsibility at community involvement.

 “Police work is not limited to maintaining peace and security. We are also part of the community, and we should be present in activities that bring people together for a good cause.” saad ni PBGEN Dela Cruz.

Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang pagkakataon upang higit na mapalakas ang police-community relations, habang sama-samang isinusulong ang layunin para sa mas malinis, luntian at mas maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *