Matagumpay na isinakatuparan ang pagdaraos ng “Grand Zumba Event 2025”, para sa mga Calapeño, bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng “KALAP Festival 2025 | The 27th Cityhood Anniversary of Calapan”, na nakaangkla sa temang “Puso ng Pagdiriwang, Lakas ng Calapan”, ginanap sa Oriental Mindoro National High School (OMNHS), Gymnasium, Calapan City, nitong ika-21 ng Marso 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga special guest na Zumba Instructor na sina Zin Wowie de Guzman at Zin Gerry Oliva, kung saan nakasama rin nila rito sina Zin Bhong Alcano at Zin Noel Acedillo, gayundin sina Coach Garlan Privado, Ma’am Rhodora Belen, Coach Rushford Evora, Coach Myka Desiree Wallet, Coach Viena Evangelista, at mga residente ng lungsod.
Layunin nitong mapalakas ang kalusugan, mapalaganap ang fitness at wellness, at magbigay ng masayang ehersisyo para sa komunidad.
Source: Tatak Calapeño