Nagpulong ang Development Administration Committee (DAC) ng Regional Development Council (RDC) MIMAROPA para sa kanilang ikatlong quarter meeting nitong Agosto 6 sa Quezon City upang talakayin ang mahahalagang usapin kaugnay ng pagpapaunlad ng rehiyon at iba pang mahahalagang agenda ng komite.

Dumalo sa pagpupulong sina Philippine Information Agency (PIA) MIMAROPA Regional Director Jemin Bonafe-Guillermo at PIA Oriental Mindoro Information Center Manager Ace Sapit, kasama sina DAC Chairperson at Boac Mayor Armi DC Carreon, Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) MIMAROPA Regional Director at DAC Vice Chairperson Agustin C. Mendoza, gayundin ang mga regional director at kinatawan ng mga miyembrong ahensya.

Sa pagpupulong, tinalakay ng komite ang mga pangunahing isyu at inisyatiba na layuning mapabilis ang pagpapatupad ng mga programa at proyektong pangkaunlaran sa MIMAROPA. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya upang matiyak ang mas epektibong paghahatid ng mga serbisyo at maisulong ang inklusibo at napapanatiling pag-unlad sa rehiyon.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *