CALAMBA CITY — Patuloy na pinatitibay ng Department of Education (DepEd) CALABARZON ang pagpapatupad ng School-Based Feeding Program (SBFP) upang matiyak na ligtas, masustansya, at naaayon sa itinakdang nutrition standards ang mga pagkaing inihahain sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

Ayon kay DepEd CALABARZON Regional Director Carlito Rocafort, layunin ng programa na mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at pagkatuto ng mga mag-aaral. Aniya, nasa 684,039 na mga mag-aaral sa rehiyon ang inaasahang makikinabang sa SBFP.

Dagdag pa ni Rocafort, mahigpit na mino-monitor ng DepEd ang paghahanda at pamamahagi ng pagkain upang matiyak ang kaligtasan at kalidad nito, bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang malnutrisyon at makapagtaguyod ng mas malusog at produktibong henerasyon ng kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *