Nananatili sa normal na lebel ang mga pangunahing ilog sa Oriental Mindoro ngayong alas-11 ng umaga, Hulyo 11, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO). Kabilang sa mga mino-monitor ng ahensya ang Alag River, Bucayao River, Panggalaan River, at Longos River.

Ayon kay PDRRM Officer Vinscent Gahol, nananatiling madaanan ang lahat ng pangunahing kalsada sa lalawigan at wala ring naitatalang pagbaha sa kasalukuyan. Patuloy namang binabantayan ng PDRRMO ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at agad na makapagbigay ng kaukulang tugon kung kinakailangan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *