Nakikita ng Department of Agriculture (DA) ang malaking potensyal ng katutubong bawang ng Lubang upang makatulong sa pagpapalakas ng lokal na suplay ng bawang sa bansa.
Sa pagbisita ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Lubang noong Hunyo 8, sinabi niyang kilala ang bawang ng Lubang sa mataas na kalidad at matapang na aroma nito, dahilan upang magkaroon ito ng malaking potensyal sa merkado.
Pinag-aaralan ng DA ang mga posibleng suportang tulad ng makinaryang pangsakahan, irigasyon, at de-kalidad na binhing pantanim upang mapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka.
Namahagi rin ang DA at BFAR ng humigit-kumulang P2.8 milyong halaga ng ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda sa Lubang at Looc, kabilang ang mga binhi, punla, kagamitang pangisda, makina ng bangka, at ayudang pinansyal.
Source: PIA MIMAROPA