May kabuuang 39,114 batang edad 6 hanggang 59 buwan sa Palawan ang nabakunahan na sa nagpapatuloy na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ng Department of Health (DOH).
Batay sa tala ng DOH-MIMAROPA hanggang Agosto 20, 2026, katumbas ito ng 40.27 porsyento ng target na 97,125 bata sa buong lalawigan.
Layunin ng MR-SIA na mapalawak ang proteksyon ng mga bata laban sa tigdas at rubella at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na ito sa komunidad. Patuloy naman ang pangunguna ng DOH at mga katuwang na lokal na pamahalaan sa pagbabakuna upang maabot ang lahat ng batang kabilang sa target population.
Source: PIA MIMAROPA