Ang Baragatan Festival 2026 ay nagpakilala ng bagong brand identity at logo bilang simbolo ng “bagong panahon” para sa isa sa pinakamalaking pagdiriwang ng kultura sa Palawan. Inilunsad ito ng Provincial Government of Palawan at Palawan Tourism Council sa SM City Puerto Princesa noong Mayo 17.

Ayon kay Festival Director Kareeza Faith “Tita Kim” Atrero, layunin ng bagong logo na mas mapaganda at mapalakas ang pagkakakilanlan ng festival habang pinapanatili ang kultura at tradisyon ng Palawan. Tampok sa logo ang mga simbolong kumakatawan sa lalawigan tulad ng Manunggul Jar, Katala bird, perlas, alon ng dagat, at mga mananayaw.

Bitbit ng Baragatan Festival 2026 ang temang “Makukulay na Yaman, Iisang Palawan” at magtatampok ng iba’t ibang cultural presentations, trade fairs, concerts, sports events, at patimpalak mula Hunyo 5 hanggang 23, kasabay ng ika-124 anibersaryo ng pagkakatatag ng civil government ng Palawan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *