Patuloy na minomonitor ng isang toxic watchdog sa mga pamilihan lalo na ang mga nagbebenta ng mga laruan habang papalapit ang Pasko.
Ayon kay BAN Toxics Campaign and Advocacy Officer Antonio “Thony” Dizon, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na bagama’t wala pa masyadong nagtitinda ng mga ganitong produkto ngunit may ilang concerns na patungkol dito.
Kabilang na aniya ang mga squishy dumpling toys na may dalang panganib sa mga kabataan pagdating sa mga mga kemikal na taglay nito at ang iba ay hindi dumaan sa pagsusuri sa mga regulatory agencies.
Nanawagan ang grupo na iberipika kung lehitimo ang mga naturang produkto o kung maaari ito ay alisin o ipagbawal sa merkado.
Dagdag ni Dizon na dapat ding bantayan ang mga pumapasok sa mga pantalan ng bansa lalo na ang mga viral products.
Ayon sa kanya, mahalaga ang kalusugan ng mga kabataan at mahalagang ipatupad ang mga batas lalo na bilang bahagi ng bilang bahagi ng Safe Toys for Kids.
Samantala, muling pinaalalahanan ng grupo ang mga mamimili na maging mapagmatyag sa mga produktong binibili, alamin kung pumasa ito sa mga standards, at maghanap ng sapat na etikita at labeling bago ito ipagamit sa mga bata.
Source: Bombo Radyo Bicol