Nagsimula nang tumanggap ng Educational Financial Assistance Program (EFAP) grants ang mga kwalipikadong mag-aaral sa kolehiyo sa lungsod ng Calapan, kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000 na ayuda—mas mataas kumpara sa dating P2,500.
Dinaluhan ng mga benepisyaryong estudyante mula sa City College of Calapan ang isinagawang pamamahagi ng ayuda bilang bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa sektor ng edukasyon.
Kasabay nito, sinimulan na rin ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng Tulong Dunong Program grants para sa mga kwalipikadong aplikante sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED).
Ayon kay Mayor Doy Leachon, bahagi ng patuloy na adhikain ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng tulong pinansyal upang masuportahan ang pag-aaral at kinabukasan ng mga kabataang Calapeño.
Binigyang-diin din ng alkalde na mahalagang mamuhunan sa edukasyon upang mabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga estudyante at makatulong sa pag-unlad ng komunidad.
Source: PIA MIMAROPA