Ipinagdiwang ng Joint Task Force KapitBisig-Southern Luzon (JTFKB-SL) ang kanilang unang anibersaryo ngayong Biyernes, Oktubre 23, sa Bulwagang Banahaw, Camp Guillermo Nakar, Lungsod ng Lucena.
Sa temang “KapitBisig sa Pagkakaisa: Strengthening Partnerships, Sustaining Peace, Securing Communities,” naging Guest of Honor at Speaker si NTF ELCAC National Secretariat Executive Director USEC. Danilo G. Pamonag.

Naging layunin ng nasabing aktibidad na pagtibayin ang pakikipagtulungan sa mga stakeholder at partner para sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon ng Timog Katagalugan.
Tampok din sa okasyon ang muling pagpirma ng ‘Pledge of Commitment’ upang muling ipahayag ang patuloy na suporta sa mga usaping pangkapanatagan at pangkaunlaran sa Timog Luzon.
Source: PIA CALABARZON