PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) — Pinasinayaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang seaweed warehouse at solar dryer na nagkakahalaga ng mahigit ₱12 milyon sa Barangay Pularaquen, Taytay, Palawan, noong Oktubre 17 upang mapabuti ang pag-iimbak at pagproseso ng mga seaweed.

Pinangunahan nina BFAR National Director Elizer Salilig, Palawan 1st District Representative Rosalie A. Salvame, at Taytay Mayor Norbert Lim ang pagpapasinaya ng mga pasilidad na layong mabawasan ang pagkalugi matapos ang anihan, mapataas ang kalidad ng produkto, at mapalawak ang kabuhayan ng mga seaweed farmer.

Pormal ding ipinagkaloob ang mga pasilidad sa Pamantolon-Pularaquen Fishermen Cooperative na may 50 miyembro mula sa Barangay Pamantolon at Pularaquen. Inaasahang makikinabang dito ang humigit-kumulang 1,700 seaweed farmer sa Taytay at mga karatig-bayan, kasabay ng planong pagkakaloob ng fiberglass flatboat upang suportahan ang kanilang pagtatanim ng seaweed.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *