Magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ngayong linggo dahil sa nakatakdang maintenance works, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Apektado ang ilang barangay sa Pasig, Quezon City, Pasay, at Makati sa iba’t ibang oras mula Marso 23 hanggang 27 dahil sa installation, line reconstruction, at pagpapalit ng mga pasilidad ng kuryente.

Samantala, magkakaroon din ng power interruption sa piling lugar sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal bunsod ng mga pagkukumpuni tulad ng pagpapalit ng poste, line reconductoring, at iba pang maintenance activities.

Pinapayuhan ng Meralco ang mga residente na maghanda at planuhin ang kanilang gawain alinsunod sa iskedyul ng power interruption.

Source: The Manila Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *