Pinangunahan ng National Irrigation Administration (NIA) MIMAROPA ang pagkilala sa mga Irrigators Associations (IAs) sa buong rehiyon sa ginanap na selebrasyon ng kanilang anibersaryo, bilang pagbibigay-pugay sa mahalagang papel ng mga ito sa pamamahala ng irigasyon at pagpapaunlad ng agrikultura.

Sa naturang programa, pinarangalan ang mga natatanging samahan ng mga magsasaka at lider na nagpakita ng kahusayan at dedikasyon sa pagpapalakas ng mga sistemang patubig. Kinilala rin ang kanilang kontribusyon sa pagpapataas ng ani at pagsuporta sa kabuhayan ng mga magsasaka sa rehiyon.

Ayon kay Acting Regional Manager Engr. Edwin C. Nazareno, layunin ng aktibidad na bigyang-halaga ang mahalagang ambag ng mga Irrigators Associations at kanilang mga pinuno sa maayos at episyenteng pamamahala ng serbisyong irigasyon. Aniya, patuloy na magsisikap ang ahensya na mapanatili ang matibay na ugnayan sa mga samahang ito upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa MIMAROPA.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *