Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang bayan ng Looc bandang 4:52 ng madaling araw ngayong March 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Batay sa datos ng Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol may layong 2 kilometro timog-kanluran ng nasabing bayan, malapit sa fish sanctuary ng Looc. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Naramdaman ang lindol hindi lamang sa Looc kundi maging sa kalapit na bayan ng Odiongan.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na wala namang inaasahang pinsala at hindi rin inaasahan ang mga aftershock kaugnay ng naturang pagyanig.

Source: Romblon News Network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *